PHP2 trilyon kada taon ang potensyal na kita ng Pilipinas mula sa AI-solutions ayon kay NEDA Secretary Arsenio Balisacan. Mahalaga ang pagpapabuti ng ating internet infrastructure upang makamit ito.
Simula na ng makabagong yugto sa AI! Ang Center of AI Research (CAIR) ay opisyal nang inilunsad at layunin ni DTI Secretary Alfredo Pascual na maging revenue-generating ang mga R&D initiatives dito.
Layunin ng Philippine Pharmaceutical Manufacturers Association na itaas ang kontribusyon ng lokal na mga tagagawa sa gobyerno mula sa kasalukuyang hindi hihigit sa 5 porsyento hanggang 50 porsyento bago matapos ang 2030.
Hinimok ni Secretary Frederick Go, Special Assistant to the President for Investment and Economic Affairs, ang mga kaukulang ahensya ng gobyerno na tugunan ang mga problema ng industriya ng parmasyutiko at palakasin ang pagmamanupaktura ng mga healthcare products sa bansa.
Napagkasunduan ng Aurora Pacific Economic Zone and Freeport Authority at Amphibia Marine and Subsea Services ang pagtutulungan para sa mga serbisyong tulad ng offshore maintenance, repair, at overhaul para sa mga sasakyang pandagat.