Itinutulak ni Senador Jinggoy Estrada ang libreng programa sa financial literacy para sa mga empleyado upang mapabuti ang kanilang financial decision-making skills.
Sinusuportahan ni Senador Chiz Escudero ang utos ni Pangulong Bongbong Marcos Jr. na bawasan ang mga proseso sa importasyon para mapanatili ang presyo ng mga pangunahing bilihin.
Hinimok ni Senador Cynthia Villar ang kabataan na pangalagaan ang mga protektadong lugar tulad ng Las Piñas Parañaque Wetland Park bilang mga tagapamahala ng kalikasan.
Sinusuportahan ni Senador Bong Go ang mga hakbang upang protektahan ang mga kababayan mula sa matinding init ng panahon tulad ng pagpu-push sa remote work sa mga empleyado at virtual learning naman sa mga estudyante.
Ang mga tauhan ng Philippine Coast Guard ay sumailalim sa masusing pagsasanay sa Freedom of Information upang mapabuti ang transparency ng grupo sa pag-handle ng impormasyon.
Ipinag-utos ni Pangulong Marcos Jr. sa Department of Agriculture na paikliin ang administrative procedures at mga patakaran para sa pag-import ng mga produktong pang-agrikultura.