A Break In The Script: What The 2025 Midterm Elections Reveal About The Pinoy Voters

The 2025 elections serve as a reminder that political power is not a birthright. The Filipino voter today demands accountability and authenticity, suggesting a pivotal moment in our governance narrative. Are our leaders equipped to face this new chapter?

DepEd Credits Teachers, LGU For Boosting Cordillera Literacy Status

Bumuhos ang pasasalamat sa mga guro at lokal na pamahalaan sa tagumpay ng literacy status ng Cordillera.

Bicol Police Activate Regional Media Hub For Midterm Polls

Ang Bicol Police ay nag-activate ng Regional Media Hub para sa mga midterm polls, naglalayong magsulong ng transparency at tiwala sa proseso ng halalan.

Solar-Powered Irrigation Projects To Boost Rice Production In Albay

Sa halagang PHP320 milyon, 16 na solar-powered irrigation systems ang itatayo sa Albay para sa mga nagbubungkal ng bigas, ayon sa NIA-5.

Sen. Hontiveros: “Pilipina: Buhatin Ang Kapwa Pilipina”

Sen. Hontiveros: “Pilipina: Buhatin Ang Kapwa Pilipina”

0
0

How do you feel about this story?

Like
Love
Haha
Wow
Sad
Angry

Malayo na ang narating ng Pilipina: naging CEO ng kumpanya, pangulo, weightlifting champion, doktor, ina, Miss Universe, at iba pa.

Ngunit sa bawat tagumpay natin, marami pa rin ang hindi makapag-aral, hindi makapagtrabaho, binabastos, sinasaktan, pinatatahimik — dahil mismo babae sila. Hindi kaila sa atin na sa bawat tagumpay ng Pilipina, sa kabuuan ay may sistemang pilit pa rin tayong ikinukulong at pinagkakaitan.

Ngayong Buwan ng Kababaihan, tuloy ang ating laban para sa karapatan, kaunlaran, at pangarap ng mga Pilipina.

Ang bawat Pilipinang namumulat ay may responsibilidad na magmulat din ng iba.

Ang bawat Pilipinang nagtatagumpay ay may obligasyong isulong ang tagumpay ng iba.

Sa mga kapwa ko Pilipina, tinatahak natin ang daang pinangahasan ng mga nauna satin, upang tayo rin ay mangahas para sa mga susunod sa atin.

Sa panahong pilit tayong hinahati at pinaghihiwalay, walang makakapagbuklod sa atin kundi tayo-tayo rin.

Sa simula’t sa huli, Pilipina ang bubuhat sa kapwa Pilipina. (senate.gov.ph)

Photo Credit: facebook.com/hontiverosrisa